References

American Psychological Association. (2014). Marriage and Divorce. Retrieved from http://www.apa.org/topics/divorce/

Calonzo., & Cayabyab. (2013). More Pinoy couples seeking annulment despite high cost. GMA News Online. Retrieved from     http://www.gmanetwork.com/news/story/302435/news/nation/more-pinoy-couples-seeking-annulment-despite-high-cost

Ghayyur, T. (2010). Divorce in the Muslim Community: 2010 Survey Analysis – SoundVision.com. Retrieved from http://www.soundvision.com/info/marriage/conflict/muslimdivorcesurvey2010.asp

Muslim Matters. (2014). Second Chance: Causes and Lessons from Divorce in Muslims – MuslimMatters.org. Retrieved from http://muslimmatters.org/2014/01/18/second-chance/

Pirzadah S. (2002). Talaq: When and How? The Islamic Viewpoint – Shams Pirzadah. Retrieved from http://www.islamawareness.net/Talaq/talaq_book.html

Syariah Court Singapore. (2006). Divorce – Islamic View on Divorce. Retrieved from http://app.syariahcourt.gov.sg/syariah/front-end/AbtDivorce_IslamicViewOnDivorce_E.aspx

Tuazon, R. R., Lopez, A. L. C., Bigornia, C. G., Gutoc-Tomawis, S., Macapugay, L. M., & Pangan, R. M. (2002). A Primer on the Code of Muslim Personal Laws of the Philippines. Asian Institute Of Journalism And Communication (AIJC).

Advertisements

Bakit Kailangan ang Diborsiyo

Isinulat nina: Allyza Alcantara, Yannica Bezemer, Sherlyn Lima

Sa kakaibang kultura ng pag-aasawa sa mundo ng mga Muslim, hindi maiiwasang pagusapan ang diborsiyo at ang pangangailangan nito. Kung titignan ng isang Pilipinong hindi Muslim ang kanilang tradisyon ng kasalan, maaaring maraming aspeto nito ang kaniyang tanggihan kung siya ang tatanungin. Maaari, ganito rin ang maramdaman ng isang Pilipinong Muslim. Ngunit, sa ngalan ng tradisyon at relihiyon ay pikit-mata nila itong tanggapin at sa pagtanda ay matutunan din nila mahalin ang kanilang asawa mula sa inareglong kasalan. Kung hindi man, mainam nang malaman na tinatanggap rin sa Islamiko ang diborsiyo. Sa maikling sulating pananaliksik na ito tatalakayin ang pangangailan ng diborsiyo sa konteksto ng pag-aasawang Muslim sa Pilipinas.

Hindi na kakaiba ang paningin ng modernong sociedad sa diborsiyo. Ayon sa American Psychological Association (2014), ang bilang ng mga kaso ng diborsiyo sa Estados Unidos ay umaabot na mula 40% hanggang 50%. Sa isang ulat naman ng GMA News, patuloy na tumataas ang bilang ng mga mag-asawang kumukuha ng annulment (Calonzo & Cayabyab, 2013). Ngunit, sa konteksto ng mga Pilipinong Muslim, hindi gaanong naidodokumento ang bilang ng diborsiyo. Sa Islam, ang diborsiyo ay ang pormal na pagbuwag ng pag-aasawa kasunod ang Code of Muslim Personal Laws of the Philippines (CMPL) matapos lamang subukin ng mag-asawa ang lahat ng maaring paraan upang mag-kasunduan silang dalawa (Tuazon et al., 2002). Hangga’t maari, hinihimok ng Islam na iwasan ang diborsiyo (Syariah Court Singapore, 2006). Hindi lang na ito ay may mga masasamang epekto sa mag-asawa, sa kanilang anak, at sa komunidad, kundi dahil isinasaad din ito ni Allah sa kaniyang mga katuruan. Dagdag pa, pinapayagan lang ng Islam ang diborsiyo sa isang pagkakataon lamang ngunit marami pa rin ang may hindi nakakaalam dito (Pirzadah, 2002). Gayunpaman, may mga pananaliksik ukol sa diborsiyo na nagsasabing mas mataas ang pagkakataon ng diborsiyo sa mga susunod na pag-aasawa (APA, 2014). Dahil dito, masasabing maraming ibang dahilan kung bakit kailangan and diborsiyo.

Una sa lahat, ang diborsiyo ay gumagana bilang isang daan para sa mag-asawang nagkasundo na hindi na nila kayang makipag-relasyon sa isa’t isa. Ngunit may ilang kaso sa kultura ng Pilipinong Muslim na ginagamit ang kasalan upang magkasundo ang dalawang kampo o angkan na may alitan. Pangalawa, ang konseptong pagpapakasal ng mga batang limang taong gulang pa lamang ay masasabing hindi makatarungan para sa bata. Sa pagdagdag ng konsepto ng diborsiyo, nabibigyan ng pagkakataon ang mga bata na pumili kung matatanggap nila ang asawang inareglo para sa kanila o pumili ng ibang tao na makakasama habang buhay. Sa Estados Unidos, mukhang natanggap na ng mga Muslim ang diborsiyo kahit pa hindi ito inareglo para sa kanila. Sa isang survey ni Ilyas Ba-Yunus, mahigit 30 porsiyento ng mga Amerikanong Muslim ang nagpapadiborsiyo at lumalabas din na ito ay tripleng mas mataas sa pinakamataas na bilang ng diborsiyo sa mundo ng Muslim (Ghayyur, 2010). Ang kadalasang binigay na dahilan ng mga mag-asawa ay ang inkompatibilidad ng mag-asawa at pang-aabuso. Subalit, hindi maikakaila na may pagkakaiba ang mga Muslim sa Kanluran at dito sa Pilipinas. Mayroon ding mga Pilipinong Muslim na tanggapa ang inareglong kasalan dahil sa nakakasigurado ito ng mabuting buhay at ang iba naman ay mas gugustuhin sumunod sa tradisyon ng kanilang relihiyon at kultura. Ano pa man ang piliin nila, makakasigurado na may paraan upang buwagin ang kasalan sa pamamagitan ng diborsiyo kahit pa walang batas ng diborsiyo ang Pilipinas.

Noong 1977, naipatupad ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Presidential Decree 1083 na kilala rin bilang Code of Muslim Personal Laws of the Philippines (CMPL). Kasama na dito ang Republic act 386 na tinatawag ding New Civil Code. Ito ay kumikilala sa kasalan ng mga Muslim pati na rin ang pag-aasawa ng isang Muslim at isang Katoliko. Ang Republic Act 6268 naman ay nagpapahaba sa mga batas ng kasalang Muslim matapos ang dalawampung peryodiko ng RA 386. Mas importante, ang Republic Act 394 ay kumikilala sa diborsiyo para sa mga mag-asawang Muslim. Kung gustuhin man ng isang Muslim na makipaghiwalay sa kaniyang asawa, mayroong kailangang sundin na striktong kodigo na mahahanap sa batas ng diborsiyo ng Islam. Ang Islamikong batas na tinatawag na Sharia ay maituturing na pangmalawakang pangalan para sa tatlong batas ng diborsiyo: Talaq, Lian, at Kulah. Sa pansariling batas ng Muslim, mayroong anim na uri ng diborsiyo: Talaq, Ila, Zihar, Khul’, Tafwid and Faskh. Saglit na tatalakayin ang mga ito sapagkat sila ay mga dahilan din ng pag-diborsiyo na masasabing natatangi para sa kultura ng Islam. Ang susunod na impormasyon tungkol dito ay manggaling sa isang panimulang aklat ng Code of Muslim Personal Laws of the Philippines (CMPL) (Tuazon et al., 2002).

Ang diborsiyo sa Talaq ay nangyayari kapag itinatuwa ng lalaki ang kaniyang asawa sa panahon ng kaniyang pagregla (tuhr). Sa ganitong pagkakataon, maari pang balikan ng lalaki ang kaniyang asawa kung una o pangalawang beses pa lamang niya itinatuwa ang asawa sa loob ng inihatol na ‘idda’ sa pamamagitan ng pag-sasama sa isang tahanan nang wala pang bagong kontrata ng pag-aasawa. Ang diborsiyo naman sa Ila ay kapag pumapanata ang lalaki na hindi makipag-relasyon ng pisikal o pangkatawan sa kaniyang asawa ng hindi hihigit ng apat na buwan. Ang babae naman ang binibigyan ng pagkakataong makipaghiwalay sa kaniyang asawa matapos maiproseso sa korte (Tuazon et al., 2002).

Isa pang uri ng diborsiyo ay ang Zihar kung saan nakapipinsalag inilalagom ng lalaki ang kaniyang asawa sa kahit kanino ng kaniyang kamag-anak na nakapaloob sa mga atas na ipinagbabawal ng pang-kasalang batas. Kapag nangyari ito, may karapatan ang babae na humiling sa korte na magsalang ang kaniyang asawa ng talaq. Kung tumanggi o hindi ito magawa ng lalaki, maaaring maghanap ng ibang paraan ang babae. Sa pagkakataong inaaakusa ng lalaki ang kaniyang asawa ng pangangaliwa, maaring magpadiborsiyo ang mag-asawa sa Li’an. Matapos pakinggan ng korte ang ganitong uri ng kaso at naisaayos ng dalawang kampo ang inatasang pagsumpa, maaaring bigyan ang mag-asawa ng isang antas ng pang-habang buhay na diborsiyo. Ang diborsiyo naman sa Khul ay nagaganap kapag nagalok ang babae na ibalik ang dower sa kaniyang asawa o magbayad ng makatarungan at legal na halaga ng pera upang makawala siya mula sa pag-kakasal. Kapag naman ipinapasa ng lalaki ang karapatang maghain ng talaq sa kaniyang asawa sa panahon ng kanilang pag-aasawa o pagkatapos, ito ay tinatawag na diborsiyo sa Tafwid. Walang pinagkaiba ang pagdiborsiyo na ito maliban sa ito ay iginawa ng babae at pareho lamang ang epekto kung ang lalaki man ang gumawa. Huli sa lahat, ang diborsiyo sa Faskh ay maisasagawa ng babae kapag ang kaniyang asawa ay hindi makapagbahagi para sa pamilya sa loob ng anim na magkasunod na buwan; pagkabigo sa pagsasagawa ng kaniyang obligasyon bilang asawa ayon sa kodigo; paghatol sa lalaki sa pinakahuling paghusga; pagkainutil ng lalaki, pagkabaliw o may sakit na hindi gagaling at makapagpapahamak sa pamilya; kakaibang kasamaan ng lalaki o ano pa mang dahilan na kinikilala ng batas ng Muslim (Tuazon et al., 2002).

Mapapansin na sa mga uri ng diborsiyo ng Islam, ang mga dahilan para sa diborsiyo ay mas binibigyang pahintulot kapag may kinalaman sa batas ng Islam o kaya naman sa pera. Halos hinidi binabanggit ang inkompatibilidad na siyang isang popular na rason ng mga Amerikanong Muslim para sa diborsiyo (Ghayyur, 2010). Kapag hindi natanggap ng isa sa mga mag-asawa ang inareglong kasalan dahil sa hindi niya mahal o gusto ang kaniyang na pangasawa, pagbibigyan ba ito ng korte? Tatanggapin kaya ito ng kanilang pamilya? Dagdag pa, sinasabi ng kasulatang Islam na isang beses lang pinapayagan ang pag-diborsiyo. Sa pagkakataong nagpakasal muli ang isang Muslim na nagpadiborsiyo na at may kagustuhang o pangangailang magpadiborsiyo muli, papayagan din ba ito? Ito ay mga tanong na hanggang ngayon ay bumabagabag pa rin sa isip ng mga Pilipinong Muslim na nakasal noon pang wala silang kamuwang-muwang. Tiyak na mahirap humanap ng kasagutan para sa isang problemang nanggagaling sa isang kasaysayan ng kutura at relihiyon. Maaaring ang kasagutan ay nasa pagtanggap ng bagong kaisipan na hindi bubuwag sa tradisyon kundi magpapaganda pa dito kasabay ang pagdating ng bagong henerasyon at ang pabago-bagong takbo ng mundo.

Sa kabuuan, ang diborsiyo ay isang mahirap at matiyagang gawain kahit saan man sa mundo. Anuman ang maging dahilan, klaro na kailangan ang diborsiyo lalo na sa mundo ng mga Muslim. Mainam na tinatanggap ng Islamiko ang konsepto na ito ngunit hindi pa din kasama ang hindi pagkakasundo ng mag-asawa sa mga dahilan na ikinokonsidera nila. Isa pa ang natural na pagbibigay nila ng karapatang talaq sa mga lalaki at hindi sa babae. Gayunpaman, binibigyan din ang mga kababaihan na magpetisyon para sa diborsiyo kung ang dahilan ay naaayon sa batas ng Muslim. Sa ganitong paraan makikita na iba ang pagtingin ng mga Muslim at hindi Muslim sa pag-aasawa at diborsiyo. Sa pagkakaiba ng ating kultura natin makikita ang problema ng kabilang kultura at ang sarili nating mga pagkukulang.